Pasig Mega Market, nagdagdag ng mga pwersa ng pulis dahil sa mas mahigpit na pagpapatupad ng ECQ

Hinigpitan ng husto kung saan nagdagdag ng pwersa ang Pasig Philippine National Police (PNP) sa paligid ng Pasig Mega Market isang araw matapos ihayag ng Philippine National Police ang mas mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil maliban sa mga pulis mayroon na ring mga sundalo sa paligid ng palengke.

Kapansin-pansin na sa entrance o pasukan ng palengke, ay makikita ang isang military truck, inaasahan na ng Pasig Local Government Unit (LGU) na araw-araw ang dami ng mga mamalengke, kaya maman tumulong na rin ang mga pulis sa pag-oorganisa ng pila ng mga mamimili.

Ayon sa Pasig LGU mahalaga ang physical distancing at pagsusuot ng face mask para makaiwas sa COVID-19.


Pabor naman ang karamihan sa mga namamalengke bagaman nakakailang umano, anila, ang presensya ng mga pulis at sundalo sa palengke, pero mas mainam na nandiyan ang mga otoridad para magkaroon ng kaayusan.

Facebook Comments