Pasig PNP, nagtayo ng bagong bahay para sa babaeng may kapansanan

Nagpapatuloy ang konstruksyon ng bahay ng mga pulis na nakatalaga sa Pasig para sa babaeng may kapansanan sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon kay Police Lt. Catherine Deligente tagapagsalita ng Pasig Philippine National Police (PNP), ang babaeng benepisyaryo ng bahay ay biktima ng multiple cardiovascular malfunction na nakatira na lamang sa open house, walang maayos na higaan at bubong kaya’t tuwing umuulan ay nababasa.

Kaya nang malaman ito ng Pasig PNP ay gumawa sila ng paraan na ito ay matulungan.


Bukod sa pagtatayo ng bahay namigay rin ng food relief ang mga pulis hindi lang sa babae maging sa kanyang mga kapitbahay sa lugar.

Ang hakbang na ito ng Pasig PNP ay kaugnay sa kanilang ‘Kapwa Ko, Sagot Ko” program ng PNP na naglalayong matulungan ang mga Pilipino lubhang apektado ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments