Pasig River Ferry, magkakaroon ng libreng service mula Lunes hanggang Sabado ayon sa MMDA

Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na tangkilikin ang libreng sakay ng Pasig River Ferry Service.

Ayon sa MMDA, bukod sa libreng pamasahe, makakaiwas din ang mga komyuter sa trapiko at usok sa Metro Manila.
Paliwanag ng MMDA na mabilis na makararating sa mga destinasyon sa pamamagitan ng Pasig River Ferry Service ng MMDA.

Dagdag pa ng MMDA na ang operasyon ng Pasig River Ferry Service ay nagsisimula mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado.


Bukas ang 13 istasyon ng ferry para ihatid ang mga pasahero sa kanilang mga destinasyon, kabilang ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa Pasig, Guadalupe at Valenzuela sa Makati, Hulo sa Mandaluyong, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, Lambingan, at Quinta sa Maynila.

Facebook Comments