Balik-operasyon ngayong araw ang Pasig River Ferry (PRF) pero limitado lang ang serbisyo nito para sa mga medical frontliner at mga manggagawa sa gobyerno.
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magbibigay ng libreng sakay ang PRF sa mga manggagawa sa kalusugan at mga manggagawa sa gobyerno habang umiiral ang Modified Community Quarantine (MECQ), dahilan para suspendihin ang public transportation sa buong Metro Manila.
Ang free ferry ride ay makikita sa mga istasyon ng Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Valenzuela, Lawton at Escolta.
Mahigpit naman naipatutupad ang health at safety protocols laban sa Coronavirus, tulad ng ‘no mask, no entry’; physical distancing; pagkuha ng body temperature; at maaari lamang sumakay ang taong may edad 21-59 years old.
Ayon sa MMDA, ipapakita lamang ang ID na katunayan sa isa itong medical frontliners at government employees.
Ang libreng sakay na ito ng Pasig River ferry ay mula Lunes hanggang Sabado, simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00.