Pasig River Ferry Service, balik operasyon na – MMDA

50

Inanunsyo ngayong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na balik operasyon na Pasig River Ferry Service (PRFS) simula ngayong araw.

Ito ay matapos maisaayos ang mga pontoon ng PRFS.


Kaya naman bukas na muli ang stations ng Pasig ferry sa may Pinagbuhatan ng Pasig City, Guadalupe ng Makati City, Hulo ng MandalUyong City, Lambingan, Sta. Ana, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Escolta at Lawton ng Manila City.

Ito ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Tiniyak naman ng MMDA na mahigpit pa rin nilang ipatutupad ang mga health protocol at community quarantine guidelines.

Matatandaan, sinira ang mga pontoon o daungan ng ferry boats ng Bagyong Ulysses sa mga nasabing PRFS stations.




Facebook Comments