Pasig River Rehabilitation Commission, gumagawa na ng hakbang para mabasawan ang mga water hyacinth

Muling inilunsad ng Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC ang Task Force Water Hyacinth upang mapigilan ang pagdami nito.

 

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, posibleng makaabala ang mga water hyacinth na nagmumula pa ng Laguna lake sa operasyon ng Pasig River ferry.

 

Sinabi pa ni Goitia na tumataas na ang water level sa  Laguna lake mula sa mainstream level ng manola bay kaya’t dumadami na ang mga water hyacinth.


 

Maari din maapektuhan ang pagdami ng hyacinth kapag dumating na ang panahon ng tag-ulan kaya’t dapat na nila itong bawasan.

 

Iginiit naman ng PRRC na malaki ang naitutulong ng mga water hyacinth sa mga mahihirap na pamilya dahil ginagawa nila itong negosyo.

Facebook Comments