Tiwala ang Pasig River Rehabilitation Commission na doable o kakayaning gawin ang paglilinis sa Manila Bay.
Mahalaga ang papel ng Pasig River dahil ito ang tagapagsala sa sobrang polusyon sa tubig mula sa Manila Bay.
Ayon kay Jimbo Mallari, deputy executive director ng PRC, nasa tamang direksyon ang Manila Bay rehabilitation program.
Aniya, kakayanin na napaluwang pa ang easement sa Manila Bay sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga pabrika at kabahayan sa Manila Bay areas.
Gayunman, kinakailangan dito ang buong kooperasyon ng publiko.
Ayon pa kay Mallari, 60 percent ng domestic waste water na naitatapon sa tabi ng ilog ay galing sa mga kabahayan.
Sinabi pa ni Mallari na kailangan itigil na ng publiko ang pagtatapon ng kanilang dumi patungo sa katubigan.
Dapat aniyang samantalahin ng mga residente ang tulong ng dalawang water concessionaire’s para maipakabit ang kanilang sariling waste water facilities.
Idinagdag ng PRC director na mahalaga na sabay na tutukan ang paglilinis sa ibang river tributaries kasabay ng Manila Bay para magtagumpay ang makasaysayang proyekto.