Maghahain ng ebidensya ang kampo ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig Regional Trial Court. 159.
Ito’y matapos humirit ang kampo nito na makapagpiyansa sa kasong Qualified Human Trafficking na inihain sa kaniya matapos itong masangkot sa operasyon ng POGO.
Diringgin naman ngayong araw ang mga ebidensya na ihahain ng kampo ni Guo para sa kanilang petition to bail sa nasabing korte dahil sa tingin ng mga ito ay mahina ang kaso laban kay Guo.
Subalit, non-bailable ang kasong isinampa ng nasabing korte kay Guo.
Nauna nang nakapagpiyansa si Guo sa kasong graft sa Valenzuela RTC ngunit hindi agad ito nakalaya dahil sa inihain sa kaniyang warrant of arrest ng Pasig RTC.
Facebook Comments