Pasig RTC, ibinasura ang hirit ni Quiboloy na sumailalim sa house o hospital arrest

Ibinasura ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 ang kahilingan ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy na sumailalim siya sa house o hospital arrest .

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, nakatanggap sila ng order mula sa Pasig RTC Branch 159 na ibinasura nito ang kanilang hiling.

Ani Torreon, plano nilang maghain ng motion for reconsideration.


Hindi naman idinetalye ni Torreon ang dahilan kung bakit ibinasura ng korte ang kanilang hirit na house o hospital arrest.

Facebook Comments