Simula na ngayong araw ang pamamahagi ng Pasig Supplemental Assistance, isang ayudang pinansyal ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig para sa mga residente nito na hindi kasama sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, mabibigyan ng tig ₱8,000 ang 200,000 na mga pamilya sa residente ng lungsod.
Aniya, ang nasabing ayudang pinansyal ng Pasig City Government ay para sa pamilyang nawalang ng kita at trabaho ng dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Ang mga barangay na unang mabibigyan ng nasabing ayudang pinansya ay ang Barangay Malinao, San Antonio, Sagat, Santa Rosa at Buting.
Ihahatid anyna nag pera sa bahay mismo ng mga benepisyaryo nito.
Makikita rin aniya ang mga qualified families sa supplemental assistance sa kanilang official Facebook account.