‘Pasig’, trending sa Twitter dahil sa mas lumalang trapiko

via Vico Sotto, ABS- CBN News

Nag-trending sa Twitter ang ‘Pasig’ dahil sa mga netizen na nagrereklamo sa mas lumalang trapiko nitong mga nakaraang araw.

Kaugnay nito ang yellow-lane policy na kamakailan ay ipinatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA.

Ang yellow-lane policy ay kung saan hindi maaaring dumaan ang mga pribadong sasakyan at motorista sa yellow bus lane.


Tila hindi natuwa ang ilang commuter sa mga bagong patakaran na ito dahil mas tumindi lamang ang trapiko sa Pasig.

Ayon sa ilang netizen, mas dumoble pa ang daloy ng trapiko sa Pasig at humihingi na sila ng tulong kay Mayor Vico Sotto.

Ayon naman kay Vico, ginagawa niya at ng team ang lahat ng makakaya upang masolusyonan ang trapiko sa lungsod.

“We will balance the longer term with the short term need to manage traffic better. This will be difficult, but we are prepared to fight for better mobility in Pasig,” aniya.

Hiling din ni Vico na dapat mas ipriyoridad ang commuters kaysa sa mga pribadong sasakyan na dumadaan sa C5 road.

Matatandaan na sa kaniyang unang araw sa opisina, agad niyang pinasuspinde ang odd-even scheme sa Pasig upang makabawas ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments