Inihayag ng Pasig City Government na simula bukas, Hunyo 28, magagamit na ang PasigPass QR Code sa Taytay, Rizal.
Naisama na kasi ang pamahalaang lokal ng Taytay sa Contact Tracing Network Consortium Agreement kung saan kabilang ang Pasig City, Valenzuela City, Antipolo City at Mandaluyong City para maging integrated ang contact tracing system sa mga nasabing lugar.
Ibig sabihin nito, kahit iisa lang sa PasigPass, ValTrace, Antipolo Bantay Covid 19, MandaTrack at Taytay Trail ang QR Code ay magagamit na ito saan man sa limang lugar na nabanggit.
Bukod sa hindi na kailangang mag-register sa iba pang contact tracing system ay hindi na rin kailangang magsulat sa manual contact tracing forms.
Facebook Comments