Magagamit na simula bukas, March 1, ang PasigPass QR Code sa Valenzuela City, Mandaluyong City at Antipolo City.
Ito ay matapos pumasok sa isang Contact Tracing Network Consortium Agreement ang apat na mayor ng lokal na pamahalaan.
Dahil sa pagiging interconnected ng PasigPass, ValTrace, Antipolo Bantay COVID-19 at MandaTrack, alinman sa mga ito ang QR code ng isang indibidwal ay magagamit na sa apat na lungsod.
Sa tulong ng consortium agreement, mas mapapalawig at mas mapapadali ang contact tracing, hindi lamang para sa apat na LGU, kundi pati sa mga mamamayan nito na hindi na kakailanganing mag-rehistro sa tatlong iba pang contact tracing systems.
Facebook Comments