PasigPass sytem, pansamantalang itinigil

41

Kinumpirma ni Pasig City Mayor Vico Sotto na pansamantalang sinuspinde ang pass system sa lungsod para bigyang daan ang maintenance nito.

Ayon kay Mayor Sotto, tumagal lang ng 20 minuto ang ang downtime ng PasigPass system pasado alas-11:00 kagabi.


Dahil dito, humihingi siya ng paumanhin sa publiko kung nahirapan sila gamitin ito sa pag-scan at mag-register.

Sa tala, umabot na ng 699,938 ang kabuuang bilang ng mga nagparegister at nag-download ng PasigPass habang nasa 1,754 naman ang establisyemento ang gumagamit na niyo.

Matatandaang inilunsad ng Pasig City government ang PasigPass bilang isa sa mga hakbang nito upang labanan ang COVID-19 kung saan layunin nito para mapadali ang pagsasagawa ng contact tracing at agad na malaman ang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit.

Facebook Comments