Operational na epektibo ngayong araw ang polyclinic ng Philippine General Hospital sa New Clark City, sa Pampanga bilang paghahanda sa nalalapit na Sea-Games sa Nov.30
Ang pasilidad ng PGH Polyclinic ng Philippine General Hospital Satellite for Sports Medicine and Wellness ay hinanda para sa nasabing aktbidad na libreng magagamit ng mga atleta.
Kabilang na dito ang 24 oras na emergency primary care and sports medicine, dentistry, ophthalmology, imaging center na may x-ray at ultrasound), diagnostic laboratory at pharmacy.
Nagpasalamat naman si BCDA President at CEO Vince Dizon sa pagkakaloob ng nasabing health facility ng UP-PGH, para sa ikatatagumpay din ng sporting events ng sea-games at kaligtasan ng mga kalahok.
Mapapakinabangan din anya ang nasabing pasilidad ng mga residente ng mga kalapit na bayan at lalawigan
Target naman ng UP-PGH na makapaglagay ng isang libong hospital beds sa darating na mga panahon.