Pasilidad para sa vaccine manufacturer na Moderna, itatayo sa Pilipinas

Magtatayo ng pasilidad ang vaccine manufacturer na Moderna sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang pakikipagpulong ni Moderna Chief Commercial Officer Arpa Garay at Senior Vice President and General Manager Patrick Bergstedt kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Washington D.C.

Ayon kay Garay, plano ng kanilang hanay na magtayo ng “Shared Service Facility for Pharmacovigilance,” na inaasahang makapagbibigay ng trabaho sa mga Filipino pati na sa mga health professionals.


Aniya, ang “Shared Service Facility for Pharmacovigilance” sa Pilipinas ang magsisilbi sa buong Asia Pacific Region.

Naniniwala si Garay, sa planong ito ay magkakaroon ng benepisyo ang Moderna at ang Pilipinas.

Samantala, sinabi ni Bergstedt na “perfect location” para sa kanilang third shared service facility sa buong mundo.

May kaparehong pasilidad aniya, ang Moderna sa Poland at Georgia.

Inaasahang nasa 50 staff ng health professionals ang inaasahang magtatrabaho sa pasilidad na maaring itayo sa Makati o sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nagpasalamat naman ang Pangulo sa Moderna.

Facebook Comments