Target na madagdagan ang mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan sa Mangaldan na pangunahing proyekto ng lokal na pamahalaan at Local School Board ngayong taon.
Ayon sa naging pagpupulong ng mga opisyal, kabilang sa mga pangunahing proyekto ang covered court sa David National High School at dagdag-banyo para sa Mangaldan Central School.
Samantala, isang tatlong palapag na gusali naman ang tinitignan para sa Mangaldan Integrated School at SPED Center upang matugunan ang kakulangan sa silid-aralan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, tinataya pa ang araw ng pagsasaayos dahil isasailalim muna sa masusing pagsusuri ang aktuwal na lokasyon ng mga pasilidad katuwang ang Department of Interior and Local Government para sa maayos na paglalatag ng plano at implementasyon.






