*Panghimagas – *Nagpagalingan ang mga pulis sa paggawa ng mga palamuting pamasko sa Quirino province.
Nagkaroon ng presentation ng kani-kanilang mga parol ang mga pulis gamit ang gamit ang iba’t-ibang produkto kung saang lugar sila naka-aasigned.
Nabatid na may mga parol na gawa sa mga bahagi ng bisikleta at motorsiklo, parol na gawa sa samu’t saring mga buto, kusot, balat ng mais, at walis tambo.
Mayroon ding parol na nabuo mula sa pinagdikit-dikit na mga rattan.
Maliban rito, nagpasiklaban din ang mga pulis sa paggawa ng belen.
Sa huli, tinanghal ang Philippine National Police-Diffun na may pinakamagandang Belen at parol.
Ang Christmas village ng QPPO na magtatagal ito hanggang Enero 2018 ay puwedeng pasyalan ng publiko basta’t magpaalam para na rin sa seguridad ng kampo.