PASKO NA! | DTI ilalabas ang SRP ng mga Noche Buena items sa mga susunod na araw

Manila, Philippines – Kasunod ng paghirit ang mga manufacturers ng Noche Buena items ng dagdag presyo ngayong papalapit na ang Pasko.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na masusi itong pag-aaralan ng ahensya.

Posible aniyang sa October 15 ilabas nila ang kanilang desisyon.


Paliwanag nito hindi dapat mangamba ang mga consumers dahil nasa 3-8 % lamang ang posibleng itaas sa presyo ng mga Noche Buena items tulad ng ham, mayonnaise, fruit cocktail, pasta at iba pa.

Katwiran nito alam naman ng ahensya kung tumataas ang presyo ng raw materials sa paggawa ng Noche Buena items.

Kabilang aniya sa basehan ng petisyon ng mga manufacturers ang paghina ng piso, import cost at pagtaas sa presyo ng raw materials.

Kasunod nito sa mga susunod na araw ilalabas na ng DTI ang SRP sa mga Noche Buena items na magiging gabay naman ng mga mamimili.

Facebook Comments