Pasko Na sa Sangguniang Panlungsod ng Cauayan, Inilunsad!

103

Cauayan City, Isabela – Inilunsad kahapon ang Pasko na sa Sangguniang Panlungsod kung saan ay makikita sa bawat opisina ang iba’t ibang dekorasyon na gamit ang mga recycled materials.

Pagandahan ng opisina sa SP ang layunin ng Pasko na sa Sangguniang Panlungsod kaya’t kahapon ay isa ang mga opisyal ng DepEd ang umikot sa buong opisina ng SP upang makita kung anong opisina ang may pinakamagandang dekorasyon.


Kaugnay pa nito, sa araw ng Huwebes (December 6, 2018) ay magkakaroon ng Christmas Lighting sa oras na 6:30 ng gabi dito sa lungsod ng Cauayan na pangungunahan parin ng mga SP Members at si Mayor Bernard Dy.

Samantala, may mga ilang nakahanay na aktibidad ang city government may kaugnayan sa pasko at ito ay maaring banggit sa gaganaping Christmas Lighting sa darating na December 6, 2018.





Facebook Comments