Manila, Philippines – Para sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang Pasko o pag-alala sa kapanganakan ng Panginoong Hesukristo ay isang paalala upang magtagumpay sa paglaban sa krimen at kaguluhan sa bansa.
Mensahe ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, sa kanyang mga opisyal at tauhan ng PNP na dapat na maging sentro ng kanilang buhay si Hesukristo kasabay ng pagiging matyaga at matatag sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang taong bayan at bansa.
Inalala rin ni Albayalde ngayong araw ng Pasko ang mga pulis na nagbuwis ng kanilang buhay para sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Aniya ang ginawang pagsasakripisyo ng mga ito ay para sa Diyos at para sa taong bayan.
Kahapon ay namigay ng pamasko sa mga kabataan sa ilang lugar sa lungkod ng Maynila si PNP Chief Albayalde na para sa kanya ay simbolo ng tunay na diwa ng Pasko.