Pasko sa Indonesia, ramdam pa rin sa kabila ng sunud-sunod na trahedya

Ramdam pa rin ang Pasko sa Indonesia sa kabila ng matinding pinsalang iniwan ng dalawang trahedya sa bansa ngayong taon.

Magugunita na nito lang Setyembre nang yanigin ng magnitude 7.5 na lindol ang Palu, Indonesia kung saan mahigit 2,000 ang namatay.

Habang nito lang Sabado nang manalanta naman ang “volcano tsunami” sa mga isla ng Sumatra at Java kung saan 373 na ang naitalang nasawi at mahigit 1,400 ang sugatan.


Ayon kay Consul General Oscar Orcine, pinuno ng konsulada sa Manado City sa North Sulawesi – hindi nakalimutang dalawin ng mga Indonesians ang mga yumaong mahal sa buhay sa sementeryo na kaugalian na nila tuwing Pasko.

Gaya ng bayanihan ng mga Pinoy, ipinakita aniya ng mga Indonesian ang kanilang pagtutulungan sa panahon ng trahedya.

Facebook Comments