PASKONG PINOY | PHLPost, naglabas ng ‘Noche Buena stamps’

Manila, Philippines – Naglabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng bagong stamps na nagpapakita ng pagdiriwang at selebrasyon ng Kapaskuhan sa bansa.

Ayon sa PHLPost, ang mga bagong stamps ay may titulong Pasko 2018 kung saan makikita rito ang tipikal na Filipino get-together.

Ang PHLPost ay nag-imprinta ng 50,000 kopya ng apat na designed setenant strip ng Noche Buena stamp na mabibili ng ₱12 kada isa.


Ang Christmas stamp ay dinesensyo ng PHLPost in-house graphic designer Rodine Teodoro.

Facebook Comments