Paslit, iniwan ng tatay para gumawa ng krimen

Natagpuan ng awtoridad ang isang 2-anyos na babae, limang milya ang layo sa lugar kung saan siya inabandona ng kanyang tatay para makagawa ng krimen sa New York.

Napag-alaman ng pulisya ang tungkol sa nawawalang bata nang arestuhin nila ang tatay nito sa kasong pagnanakaw, Huwebes.

Sinabi ng ama sa mga pulis na iniwan niya ang bata sa isa niyang kaibigang lalaki.


Makalipas ang ilang oras na paghahanap mula sa Washington Heights kung saan huling namataan ang bata, nakita sa Yonkers ang paslit na hinihinalang inihatid doon ng kaibigan ng kanyang tatay.

Hindi naman pinangalanan ang tatay na nahuling nagnakaw sa 501 Bennett Ave.

Nasa kostodiya na ng pulisya ang tatay.

Facebook Comments