Paslit, patay sa pananaksak ng 15-anyos na kapitbahay sa Laguna

439

Patay ang isang 7-anyos na babae matapos umanong pagsasaksakin ng 15-anyos na kapitbahay sa San Pedro City, Laguna nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-4 sa Barangay Cuyab.


Nakaupo raw sa labas ng bahay ang biktima nang tawagin ng suspek at yayaing maglaro sa kanilang bahay.

Nang hinahanap na ng mga kaanak ang bata, naabutan umano ang binata na naglilinis ng mga bakas ng dugo.

Nagtamo ng maraming saksak ang bata na namatay habang isinusugod sa ospital.

Hindi pa naman malinaw kung anong dahilan ng binata na dinala na sa social welfare services.

Facebook Comments

From Advertisers