Paslit, patay sa sunog habang natutulog sa loob ng bahay sa Iloilo

Nasawi ang 1-anyos na bata matapos masunog ang tinutulugang bahay sa Iloilo.

Nangyari ang insidente sa Barangay Igpuro-Bariri sa bayan ng Miagao, Iloilo kung saan naiulat na natutulog ang biktima.

Base sa inilahad na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lugar, mag-isang natutulog ang bata nang maganap ang sunog.


Wala raw sa bahay ang ina nito na si Rosalle Naorbe kasama ang dalawa pa niyang kapatid na noo’y nag-aayos daw ng pinagkukuhanan nila ng tubig.

Dagdag pa ng BFP-Miagao, maaaring nagsimula sa nakasaksak na electric fan ang sakuna.

Nadamay naman ang mga kalapit na bahay sa sunog sa nasabing lugar.

Facebook Comments