Pasok bukas sa mga korte sa buong bansa, suspendido

Manila, Philippines – Ideneklara ng Korte Suprema na suspendido bukas ang pasok sa lahat ng korte sa buong bansa.

Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Duterte na National Day of Protest ang September 21.

Kaakibat nito ang pagdedeklara ng walang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan.


Pitumpung porsyento ng mga korte sa bansa ay umo-okupa sa mga istrakturang pag-aari ng pamahalaan.

Facebook Comments