Manila, Philippines – Muling kinansela ng Malakanyang ang pasok ng gobyerno at sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa ngayong araw, October 17, 2017.
Ito’y matapos bawiin ng malakanyang ang nauna nitong anunsyo na nagsasabing may pasok na ang mga estudyante at mga kawani ng gobyerno ngayong, Martes.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ay dahil sa ikalawang araw na tigil pasada ng grupong Piston.
Bukod rito, inaasahan na aniya ang maulang panahon dahil sa bagyong “Paolo”.
Nasa pagpapasya naman sa mga employer ng pribadong kumpanya kung magpapatupad sila ng kanselasyon ng pasok ng kanilang mga empleyado.
Samantala, nag-anunsyo na rin ang Korte Suprema ng kanselasyon ng trabaho para sa mga kawani ng lahat ng korte sa bansa.