Magiging half-day na lamang ang pasok ng mga kawani ng gobyerno ngayong araw.
Base sa Memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea, simula mamayang alas-12:00 ng tanghali ang suspensyon ng trabaho para makapaghanda ang mga empleyado sa paggunita ng Undas.
Pero hindi kasali rito ang mga ahensyang nagbibigay ng Health Services at mga tumutugon sa sakuna at seguridad.
Nag-anunsyo rin ang Korte Suprema na half-day lamang ang pasok sa lahat ng Korte ngayong araw.
Facebook Comments