Kung ang Department of Education o DepdD ay nagdeklara na ng suspension of classes at nagkaroon na ng mga pagbabago sa scheudule ng final exams, graduation at moving up ceremonies, ang Commission on Higher Education (CHED) ay iniutos lamang sa lahat ng mga koleheyo, unibersidad at state universities sa bansa na maging alerto sa gitna ng banta ng Corona virus Disease o COVID-19 at suspendihin lamang ang mga klase kung talagang kinakailangan na.
Ayon kay Cotabato City State Polytechnic College (CCSPC) Pres. Dr. Sema Dilna, ito ang dahilan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang mga klase sa kanilang eskwelahan.
Inihayag naman ni Dr. Dilna na maari din naman silang magdeklara kaagad ng suspension of classes kung kakailanganin na.
Matapos na ideklara ng Cotabato City government at ng local health department na nananatiling COVID-19 free ang syudad ay maigting na nagmomonitor ang CCSPC sa sitwasyon.
Hihintayin pa rin nila ang magiging abiso ng CHED dagdag pa ni Dr. Dilna kung kakailanganin nang magsuspende ng klase.
Sa kasalukuyan, ang CCSPC ay mayroong mahigit 10,000 populasyon, mahigit 7,000 ang mga estudyante samantalang mahigit 1,000 naman ang faculty at staff.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>