Pinaikli na ng embahada ng Pilipinas sa Tehran ang oras ng kanilang pasok matapos ang sunod-sunod na kaso ng Coronavirus disease o COVID-19.
Ipinapabatid ng embahada ng Pilipinas sa mga Overseas Filipino Workers o OFW’s sa Tehran na ngayong araw, magsisimula ang pasok ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Hiniling din ng embahada ng Pilipinas sa mga kliyente nito na magsuot ng face mask habang nasa loob at labas ng opisina bilang bahagi na rin ng precautionary measures.
Muli ring ipinaalala ng embahada ng Pilipinas sa lahat ng Pilipinong nasa Iran na gawin ang kinakailangang pag-iingat sa kalusugan upang maisawasan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinayuhan din ang mga pinoy na umiwas muna sa mga matataong lugar o pagtitipon upang hindi mahawaan ng nasabing sakit.
Base naman sa tala ng Iran Ministry of Health, nakapagtala sila ng 205 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24-oras.