Pasok sa eskwela at government offices sa maraming lugar sa Luzon bukas, suspendido pa rin —Palasyo

Muling sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa gobyerno at mga paaralan bukas dahil pa rin sa masamang panahon na dala ng habagat.

Batay sa memorandum circular na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, suspendido bukas, July 23 ang trabaho at klase sa lahat ng antas sa mga lugar ng:

• Metro Manila
• Pangasinan
• Zambales
• Tarlac
• Bataan
• Pampanga
• Bulacan
• Cavite
• Batangas
• Rizal
• Occidental Mindoro
• llocos Norte
• llocos Sur
• La Union
• Quezon
• Oriental Mindoro
• Marinduque
• Romblon
• Masbate
• Sorsogon
• Albay
• Camarines Sur
• Catanduanes
• Palawan
• Antique
• Aklan
• Capiz
• Iloilo
• Guimaras
• Abra
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Nueva Vizcaya
• Nueva Ecija
• Laguna, at
• Negros Occidental

Hindi naman kasama sa suspension ang vital government agencies gaya ng mga may kinalaman sa health at emergency response.

Maaari namang magpatupad ng alternatibong work arrangements sa non-vital government employees na nagtatrabaho sa mga ganitong ahensiya.

Samantala, ipinauubaya na sa bawat Local Chief Executives ang pasya kung kakanselahin o sususpendihin din ang klase at trabaho sa iba pang mga rehiyon.

Facebook Comments