PASOK SA GUINNESS | Most baseball catches with alternating hand in one minute, nasungkit ng 9-anyos na bata

Colombia – Hinahangaan ngayon sa Bogota, Colombia ang isang 9-anyos na batang lalaki dahil sa ginawa niyang record breaking event sa paglalaro ng baseball.

Sa tulong ng kaniyang amang si Juan Gomez, natuto si Rafael na maglaro ng baseball simula noong tatlong taong gulang pa lamang siya kaya simula noon ay pinangarap na niya na makilala sa buong mundo.

Dahil dito, natupad ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng ipinakita nilang performance kung saan nagawang masalo ni Rafael ng kaliwa’t kanan ang mga bola ng baseball ng 68 na beses sa loob ng isang minuto na may layong sampung metro.


Masaya naman ang mag-ama sa nagawa dahil nakasama na si Rafael sa Guinness World Record na may Titulo na “Most Baseball Catches With Alternating Hand In One Minute”.

Facebook Comments