Pasok sa ilang korte sa Metro Manila, suspendido na ngayong hapon dahil sa masamang panahon —SC

Sinuspinde ng Korte Suprema ang pasok sa ilang mga korte sa Metro Manila.

Batay sa inilabas na memorandum ng SC, hanggang ala-1:00 ng hapon lang ang trabaho ngayong Biyernes, August 22 sa mga first at second level courts sa mga lungsod ng Mandaluyong, Makati, Manila, Muntinlupa, Pasay at Taguig.

Ito ay dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ngayong araw.

Ayon sa Supreme Court, hakbang ito para masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado, abogado at litigants na hirap makabiyahe dahil sa baha at sama ng panahon.

Gayunman, nilinaw ng Korte Suprema na kung may mga madaliang kaso tulad ng piyansa o release order, tuloy pa rin ang pagproseso.

Habang maaaring ituloy pa rin ng ibang mga hukom na may nakatakdang hearing ang kanilang session.

Inabisuhan naman ang mga apektado na makipag-ugnayan sa mga hotline at email ng kani-kanilang hukuman para sa mga agarang concerns.

Facebook Comments