Pasok sa ilang korte, suspendido na dahil sa Bagyong Marce

Suspendido na ang operasyon ng ilang mga korte sa bansa ngayong araw dahil sa Bagyong Marce.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, ilan sa mga nagsuspinde ng operasyon at wala ng pasok ay ang:

  • Aparri, Cagayan Regional Trial Court o RTC at lahat ng first level courts na nasa hurisdiksyon nila
  • Sanchez Mira, Cagayan RTC
  • First and second Municipal Circuit Trial Courts o MCTC ng Sanchez, Mira at Claveria sa Cagayan
  • Lahat ng korte na nasa hurisdiksyon ng Municipal Trial Courts in Cities o MTCC Tuguegarao City

Pinapayuhan ang publiko at mga may transaksyon o schedule sa mga korte na bisitahin ang opisyal na social media accounts ng Supreme Court para sa iba pang anunsyo.

Facebook Comments