Pasok sa ilang mga korte na apektado ng Bagyong Odette, suspendido na

36

Suspendido ang trabaho sa ilang mga korte partikular sa mga lugar sa bansa na apektado ng Bagyong Odette.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information, kabilang sa nag-anunsyo ng work suspension ay ang mga sumunod:

– Hall of Justice Argao, Cebu — Dec. 16 hanggang Dec. 17


– Cebu City Hall of Justice — Dec. 16 hanggang Dec. 17

– Lahat ng korte at opisina sa Lapu-Lapu City Hall of Justice — Dec. 16

– Lahat ng court stations sa Danao City, Cebu — Dec. 16



– Mandaue City Hall of Justice at mga korte na nasa hurisdiksyon ng RTC Mandaue — Dec. 16

– Lahat ng korte na nasa hurisdiksyon ng Regional Trial Court, Ormoc City — Dec. 16


– Lahat ng first and second level courts at Office of the Clerk of Court sa Tagbilaran City, Bohol — Dec. 16 to Dec. 17.

Patuloy nanan nakamonitor ang Korte Suprema sa sitwasyon sa mga korte at kanila rin silang nakatutok sa mga opisina at personnel na direktang maaapektuhanl ng bagyo.

Facebook Comments