Pasok sa ilang paaralan at trabaho sa Davao Region, nananatiling suspendido dahil sa masamang panahon

Walang pasok ang ilang paaralan sa Davao Region bunsod nang naranasang masamang lagay ng panahon dahil sa epekto ng shearline.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 27 class suspensions ang kanilang naitala.

Kabilang dito ang ilang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Davao de Oro, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao City.


Maging ang pasok sa trabaho sa mga nabanggit na probinsya ay suspendido pa rin.

Sa pinakahuling report ng NDRRMC, lubog pa rin sa baha ang 11 lugar sa Davao Region.

Nasa mahigit 2,000 indibidwal naman ang apektado ng sama ng panahon sa Davao Region partikular sa Davao de Oro, Davao Occidental at Davao Oriental.

Facebook Comments