Pasok sa ilang paaralan at trabaho sa Regions 10, 11 at CARAGA, nananatiling suspendido dahil sa masamang panahon

Wala pa ring pasok ang ilang paaralan sa bansa bunsod nang naranasang masamang lagay ng panahon dahil sa pinagsamang epekto ng shearline at low pressure area (LPA) na kahapo’y bagyong Kabayan.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 83 class suspensions ang kanilang naitala.

Kabilang dito ang ilang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Regions 10, 11 at CARAGA Region.


Maging ang pasok sa trabaho sa mga nabanggit na rehiyon ay suspendido pa rin.

Sa pinakahuling report ng NDRRMC, lubog parin sa baha ang 6 na lugar sa Region 11.

Nasa 25,489 pamilya o katumbas ng 86,321 mga indibidwal ang apektado mula sa 217 barangays sa Regions 10, 11 at CARAGA Region kung saan isa ang naitalang sugatan at nawawala.

Facebook Comments