Pasok sa isang paaralan sa Maynila, sinuspinde matapos ang insidente ng sunog

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang face-to-face at online classes sa Gen. Vicente Lim Elementary School bukas, Lunes, September 16, 2024.

Ito’y dahil sa malawakang sunog na nangyari sa Aroma Road 10 sa Tondo.

Kasalukuyang ginagamit ang nasabing paaralan bilang evacuation site ng ilan sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing sunog.


Wala pa naman anunsiyo o pahayag kung anong magiging plano sa mga nasunugan kung saan patuloy silang inaalalayan ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Kaugnay nito, magkakaroon ng make-up classes ang mga estudyante ng Gen. Vicente Lim Elementary School bilang kapalit ng araw na sinuspinde ang klase.

Facebook Comments