Pasok sa korte sa Metro Manila at Central Luzon, suspendido ngayong araw

Sinuspinde ng Korte Suprema ang pasok ngayong araw sa mga korte sa Metro Manila at Central Luzon dahil sa magnitude 5.7 na lindol kahapon sa Luzon.

Sa anunsyo ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka, kailangan munang i-inspeksyunin ang court houses para sa safety at structural integrity.

Ang suspensyon naman sa pasok sa iba pang mga korte ay ipinauubaya na ng Supreme Court (SC) sa mga Executive Judge.


Facebook Comments