Pasok sa lahat ng korte sa bansa, hanggang tanghali na lang bukas bilang paghahanda sa Undas

Inanunsiyo ng Korte Suprema na half-day na lamang ang pasok bukas sa lahat ng mga hukuman sa buong bansa.

Ayon sa SC, suspendido na ang pasok simula alas-12:00 ng tanghali bukas, October 30, bilang paghahanda para sa Undas.

Saklaw ng half-day work ang Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at lahat ng first at second-level courts sa bansa.

Ayon sa kautusan, pinayagan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang maagang uwian upang bigyang-daan ang court personnel na makapaghanda at makapunta sa kani-kanilang probinsya para sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Sa kabila nito, ipinag-utos ng Office of the Court Administrator na magpatupad pa rin ng skeleton workforce sa bawat tanggapan upang matugunan ang anumang agarang usapin hanggang matapos ang regular working hours.

Facebook Comments