Sinuspende na ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga trabaho sa Manila City Hall, dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng Bagyong Jolina.
Base sa direktiba na ipinalabas ni Mayor Isko, inatasan nito ang lahat ng mga empleyado na umuwi na sa kanilang bahay simula kaninang alas-2:00 ng hapon dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Hiindi kasama sa direktiba ang mga empleyado mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Manila Department of Social Welfare (MDSW), Manila Health Department (MHD) at anim na district hospitals ng lungsod.
Pinayuhan din ng alkalde ang mga Manilenyo na maging mapagmatyag at mag-ingat lalo na ang mga nakatira sa tabing creek at baybaying dagat dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng mga Bagyong Jolina at Kiko.