PASOK SA MGA GOVERNMENT OFFICES AT LAHAT NG ANTAS SA PAARALAN SA BUONG LUZON, SUSPENDIDO NA!

Cauayan City – Nagdeklara ng class suspension ngayong araw, ika-23 ng Oktubre ang Presidential Communications Office sa buong Luzon dahil sa nararanasang sama ng panahon dulot ni bagyo.

Dahil sa masamang panahon na dulot ng Tropical Storm “Kristine” na nakakaapekto sa buong bansa, partikular sa Isla ng Luzon, ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at mga klase sa lahat ng antas sa Luzon ay sinuspinde.

Gayunpaman, ang mga ahensya na ang mga tungkulin ay nasa ilalim ng paghahatid ng mga pangunahing at serbisyong pangkalusugan, paghahanda/pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, o iba pang mahahalagang serbisyo ay hindi kasali sa nabanggit na suspension at dapat na magpatuloy sa kanilang mga operasyon at magbigay ng mga kinakailangang serbisyo.


Samantala, ang pagsususpinde ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nakadepende naman sa kanilang pamunuan.

Sa pinakahuling ulat, itinaas na sa signal no. 2 category ang buong lalawigan ng Isabela kabilang na rin ang lalawigan ng Cagayan, Quirino, at Nueva Vizcaya.

Facebook Comments