Pasok sa mga korte sa Maynila sa Huwebes, suspendido

Manila, Philippines – Sinuspinde na ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng mga korte sa Maynila sa Huwebes, January 9, 2020.

Kaugnay ito ng mga aktibidad sa Traslacion 2020.

Sa Memorandum Order ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, suspendido sa Huwebes ang trabaho sa Korte Suprema, Philippine Judiciary Academy, Judicial and Bar Council, Court of Appeals at lahat ng trial courts sa Maynila.


Nakasaad sa memorandum na inaasahang maraming deboto ang dadagsa sa Maynila para makiisa sa Traslacion at inaasahan din ang mabigat na daloy ng trapiko traffic sa lungsod.

Iniutos naman ni CJ Peralta ang pagkakaroon ng skeletal force sa receiving sections ng Judicial Records Office ng Korte Suprema, Court of Appeals at Regional Trial Courts at Metropolitan Trial Courts.

Facebook Comments