Pasok sa mga paaralan at trabaho sa gobyerno sa Maynila at Pasay sa January 13, Lunes, suspendido dahil sa National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo

Walang pasok sa mga paaralan sa lahat ng antas at trabaho sa gobyerno sa lungsod ng Maynila at Pasay sa January 13, Lunes.

Batay sa Memorandum Circular No. 76 na inilibas ng Malacañang, ang suspensyon ay ginawa dahil sa nakatakdang National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo na inaasahang daragsain ng mga miyembro nito mula sa iba’t ibang lalawigan na manggagaling sa iba’t ibang lugar.

Ikakasa ng Iglesia ni Cristo ang rally sa Quirino Grandstand kung saan madaling araw pa lamang ay inaasahang magtitipon-tipon na mga miyembro ng Iglesia.


Bukod sa mga taga-Metro Manila, inaasahang dadalo rin ang mga miyembro sa Calabarzon Region habang may gaganapin ding rally umano sa iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments