Pasok sa mga paaralan sa Navotas City, kinansela ng lokal na pamahalaan

Kinasela na ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng paaralan.

Sakop nito ang lahat ng public at private schools sa lungsod ng Navotas.

Ito’y dahil sa inaasahang pagtaas ng temperatura mula sa 43–44-degree Celsius na heat index ayon sa PAGASA.


Nagdesisyon ang Navotas LGU na kanselahin ang klase para sa kapakanan ng mga estudyante at guro.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling hydrated o uminom palagi ng tubig at gawin ang nararapat na pag-iingat laban sa heat stroke gayundin ang iba pang heat-related na mga sakit.

Facebook Comments