Suspendido na ang pasok bukas ng mga nagtatarabaho sa gobyerno at ng mga klase sa public at private school sa National Capital Region o NCR at Region IV-A ayon sa Malacañang.
Batay sa Memorandum circular No. 63 na inilabas ng Malacañang, ang suspensyon dulot pa rin ng Bagyong Enteng ay epektibo oras na ilabas ang memorandum.
Samantala, magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo tulad ng health services at ang mga tumutugon sa sakuna.
Habang nakasalalay naman ang desisyon sa pagsususpinde ng trabaho sa pribadong sektor o opisina sa kani-kanilang mga pinuno
Facebook Comments