Pasok sa mga pampublikong paaralan at government offices ngayong hapon sa NCR, sinuspinde ng Malacañang dahil sa habagat at Bagyong Carina

Sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa mga pampublikong paaralan at government offices sa National Capital Region (NCR) simula ngayong alas-2:00 nang hapon.

Ito’y kasunod ng nararanasang sama ng panahon dahil sa Habagat at Bagyong Carina.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang trabaho ng mga ahensyang maghahatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, tutugon sa mga sakuna, at iba pang mahahalagang serbisyo.


Habang ang suspensiyon naman ng pasok sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nasa desisyon na ng kani-kanilang mga pinuno.

Facebook Comments