Muling sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa mga paaralan sa lahat ng antas sa buong Luzon ngayong araw, October 24.
Ayon sa Office of the Executive Secretary, ginawa ang deklarasyon kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa forecast na posibleng lumakas pa ang epekto ng Bagyong Kristine.
Ito ay para bigyang daan din ang relief at rescue operations na gagawin ng pamahalaan sa mga apektadong lugar.
Samantala, ipinauubaya na ng pamahalaan ang pagsususpinde ng trabaho para sa mga pribadong kompanya at opisina sa kani-kanilang management o pinuno.
Facebook Comments