Pasok sa paaralan at tanggapan ng pamahalaan, tuloy na – palasyo

Manila, Philippines – Regular na ulit ang pasok ng mga estudyante at mga empleyado ng gobyerno bukas.

Ito ay matapos ideklara ng Malacañang na tuloy na ang lahat ng pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa at ang pasok sa trabaho ng mga empleyado ng pamahalaan sa kabila ng pagpapatuloy ng transport strike ng PISTON.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang desisyon ay base narin sa rekomendasyon ng Joint Quick Response Team on Transportation dahil hindi naman nakaapekto sa mga pasahero ang malawakang kilos protesta ng mga tsuper at operator ng jeep sa pangunguna ng PISTON.


Sinabi din naman ni Abella na hindi din naman magbabago ang mga contingency plan ng pamahalan para sa mga commuters na posibleng maapektuhan ng tigil pasada kaya nakakalat parin ang mga sasakyan ng ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan para magbigay ng libreng sakay.

Facebook Comments